Sunday, September 9, 2012

Post-Modernismo : Metanarratives

Mga halimbawa:

- Ang mga masisipag ay aahon sa kahirapan
- Ang taong mabait ay may maraming kaibigan
- Lahat ng matatangkad ay mahusay mag-laro ng basketball
- Lahat ng matatalino ay magkakaroon ng magandang trabaho
- Mas maganda ang mga pang-dayuhang mga bagay kaysa sa mga lokal

Wednesday, July 25, 2012

Mutya

 Sa tingin ko, ang dulang "Santong Tao" ay Realistiko dahil ipinapakita nito ang katotohanan tungkol sa mga iba’t-ibang tao sa ating lipunan. Ipinapalabas rito ang kakakayahan nilang gumawa ng masasamang bagay dahil lang ikinagugusto nila. At habang kaya nilang makalusot, ay uulitin at uulitin nila ito. Ginanap ang pagbebenta ni Titay ng kanyang katawan sa loob mismo ng bahay nila ng kanyang asawa, at ang mga dumalaw para rito ay ang kura, sakristan mayor at piskal. Binibigyang diin ang kasamaan ng mga ito dahil ang mga piniling tauhan ay ang mga dapat makutwirang tao na hindi gagawa ng kahit anumang kalokohan. Sila ang mga binibigyang respeto ng mga tao dahil nararapat ito sa kanila pero ang kabaliktaran ang lumalabas rito. Lumabas rin ang kabaliktaran kay Titay dahil bilang isang babaeng Filipina, kinakailangan maging mahinhin at konserbatibo pero tuloy-tuloy lang kanyang pakikipaglandian sa kanyang mga matatawag na kliente. Kahit na na siya ay nagpapanggap lamang, hindi tama na pinili niyang gawin iyon para lamang sa salapi. Ginawang mapapagtawanan ang mga pangyayari sa dula para hindi bigyang pansin ang lala ng mga ito. Kapag tutuusin, seryosong-seryoso ang mga problema na ipipinapakita sa mga manonood. Sa mas madaling salita, ang dula ay matatawag bilang isang satiriko.


At ang dulang “Ang Sistema ni Propesor Tulo” ay Romantiko naman dahil ngunit nagpapakita ito ng katotohanan ng pagkakaroon ng mga guro na hindi nagtuturo ng maayos at mabuti, ay mukhang alanganin ang kanyang wakas. Para sa akin, hindi realistiko ang dating nito dahil mahirap paniwalaan na maaayos ang lahat dahil lamang sa madaling at simpleng pag-uusap ng guro at ng kanyang mga estudyante. Ginanap ang lahat ng pangyayari sa loob ng silid-aralan nila at ang unang eksena ay ang diskusyon ng klase. Ipinapakita ang pagiging mahigpit at mabagsik ng guro bilang isang istereotipo. Naangkop rin ito sa mga tauhang si Kiko na matatawag na “teacher’s pet”, si Bubbles na pasaway, si Ningning na mahiyain at si Bonjing na hindi masyadong matalino. Si simula ay mukhang normal naman ang lahat ng ito; ang pakikipagtalo at ang paglolokohan. Pero kapag titignan nang mabuti, mapapansin na ang paraan ng pag-uusap ng mga tauhan ay hindi masasabing nakikita sa araw-araw. Sa totoong buhay, kabastusan na ang ginagawa ng mga bata dahil sinasagot at binabara nila ang mas matanda sa kanila. Hindi ito matatanggap. Ang isa pang di makatotohanan na pangyayari ay ang pamamalo at ang pamalo na ginamit ni Propesor Tuko. Kapag ginamit talaga ito sa totoong buhay, hindi lamang masasaktan ang matatamaan nito kung hindi, maari ring mamatay. Naintindihan ko na ginawa ang ito upang magpatawa pero hindi dapat ito palalampasin dahil lang roon.

Friday, July 13, 2012



Moderno vs. Tradisyunal


Kapag ang isang tao ay masyadong nasasanay sa mga ideya na binibigay ng moderno na panitikan, inaasahan niya lagi na makukuha niya ang kanyang gusto at malulungkot at magsusuko lamang kapag ang kabaliktaran ang nangyari. Mahihirapan siyang tumanggap ng mga di-kagustuhan na karanasan dahil hindi niya naiisip ang lahat ng posibleng mangyari. Kapag tradisyunal na panitikan naman ang mas binibigyang pansin, nagkakakulang din ang tao dahil puro mga ordinaryong aral lamang ang mapupulot dito. Kinakailangan mahaluan ang pagiging praktikal at malikhain para balanse ang mga natututunan sa Moderno at Tradisyunal na panitikan upang maigamit ang mga ito ng maayos at mabuti sa totoong buhay.

Thursday, June 28, 2012

Panitikan

Dati, inaakala ko na ang panitikan ay isang paraan lamang ng pagpapahayag ng mga tao buhat sa kanilang mga karanasan at mga natutunan sa buhay. Pero dahil sa diskusyon sa klase, natutunan ko na ito pala ay mas malalim pa rito. Natutunan ko na maaari rin itong tignan bilang isang anino ng konsepto, na kailangan biglang halaga ang tunay na pinanggalingan ng mga bagay-bagay dahil ito ang kung saan nagbubunga ang mga ideya ng mga manunulat. Bukot dito, ang kanilang mga tinatalakay ay nagpapakita ng kalaliman at saysay ng kanilang iniisip ukol sa nabuong ideya. Ang panitikan ay hindi madaling maintindihan dahil sa iba't-ibang interpretasyon ng mga mambabasa. Para maunawaan nang mabuti, ang mambabasa ay dapat munang kilalanin ang manunulat; ang panahon kung kailan siya ipinanganak at ang paligid na kinalalagyan niya upang mailista ang mga posibleng salik na maaaring naging dahilan kung bakit niya sinulat ang paksa sa paraan na iyon. Kapag nagawa na ang lahat ng ito, mas madaling maintindihan ang panitikan dahil mas nakikita na ng mambabasa ang mga gustong ipalabas o bigyang pansin ng manunulat.