Sa tingin ko, ang dulang "Santong Tao" ay Realistiko
dahil ipinapakita nito ang katotohanan tungkol sa mga iba’t-ibang tao sa ating
lipunan. Ipinapalabas rito ang kakakayahan nilang gumawa ng masasamang bagay
dahil lang ikinagugusto nila. At habang kaya nilang makalusot, ay uulitin at
uulitin nila ito. Ginanap ang pagbebenta ni Titay ng kanyang katawan sa loob
mismo ng bahay nila ng kanyang asawa, at ang mga dumalaw para rito ay ang kura,
sakristan mayor at piskal. Binibigyang diin ang kasamaan ng mga ito dahil ang
mga piniling tauhan ay ang mga dapat makutwirang tao na hindi gagawa ng kahit
anumang kalokohan. Sila ang mga binibigyang respeto ng mga tao dahil nararapat
ito sa kanila pero ang kabaliktaran ang lumalabas rito. Lumabas rin ang
kabaliktaran kay Titay dahil bilang isang babaeng Filipina, kinakailangan
maging mahinhin at konserbatibo pero tuloy-tuloy lang kanyang pakikipaglandian sa
kanyang mga matatawag na kliente. Kahit na na siya ay nagpapanggap lamang,
hindi tama na pinili niyang gawin iyon para lamang sa salapi. Ginawang
mapapagtawanan ang mga pangyayari sa dula para hindi bigyang pansin ang lala ng
mga ito. Kapag tutuusin, seryosong-seryoso ang mga problema na ipipinapakita sa
mga manonood. Sa mas madaling salita, ang dula ay matatawag bilang isang
satiriko.
At ang dulang “Ang
Sistema ni Propesor Tulo” ay Romantiko naman dahil ngunit nagpapakita ito ng
katotohanan ng pagkakaroon ng mga guro na hindi nagtuturo ng maayos at mabuti,
ay mukhang alanganin ang kanyang wakas. Para sa akin, hindi realistiko ang
dating nito dahil mahirap paniwalaan na maaayos ang lahat dahil lamang sa
madaling at simpleng pag-uusap ng guro at ng kanyang mga estudyante. Ginanap
ang lahat ng pangyayari sa loob ng silid-aralan nila at ang unang eksena ay ang
diskusyon ng klase. Ipinapakita ang pagiging mahigpit at mabagsik ng guro
bilang isang istereotipo. Naangkop rin ito sa mga tauhang si Kiko na matatawag
na “teacher’s pet”, si Bubbles na pasaway, si Ningning na mahiyain at si
Bonjing na hindi masyadong matalino. Si simula ay mukhang normal naman ang
lahat ng ito; ang pakikipagtalo at ang paglolokohan. Pero kapag titignan nang
mabuti, mapapansin na ang paraan ng pag-uusap ng mga tauhan ay hindi masasabing
nakikita sa araw-araw. Sa totoong buhay, kabastusan na ang ginagawa ng mga bata
dahil sinasagot at binabara nila ang mas matanda sa kanila. Hindi ito
matatanggap. Ang isa pang di makatotohanan na pangyayari ay ang pamamalo at ang
pamalo na ginamit ni Propesor Tuko. Kapag ginamit talaga ito sa totoong buhay,
hindi lamang masasaktan ang matatamaan nito kung hindi, maari ring mamatay.
Naintindihan ko na ginawa ang ito upang magpatawa pero hindi dapat ito
palalampasin dahil lang roon.
