Dati, inaakala ko na ang panitikan ay isang paraan lamang ng pagpapahayag ng mga tao buhat sa kanilang mga karanasan at mga natutunan sa buhay. Pero dahil sa diskusyon sa klase, natutunan ko na ito pala ay mas malalim pa rito. Natutunan ko na maaari rin itong tignan bilang isang anino ng konsepto, na kailangan biglang halaga ang tunay na pinanggalingan ng mga bagay-bagay dahil ito ang kung saan nagbubunga ang mga ideya ng mga manunulat. Bukot dito, ang kanilang mga tinatalakay ay nagpapakita ng kalaliman at saysay ng kanilang iniisip ukol sa nabuong ideya. Ang panitikan ay hindi madaling maintindihan dahil sa iba't-ibang interpretasyon ng mga mambabasa. Para maunawaan nang mabuti, ang mambabasa ay dapat munang kilalanin ang manunulat; ang panahon kung kailan siya ipinanganak at ang paligid na kinalalagyan niya upang mailista ang mga posibleng salik na maaaring naging dahilan kung bakit niya sinulat ang paksa sa paraan na iyon. Kapag nagawa na ang lahat ng ito, mas madaling maintindihan ang panitikan dahil mas nakikita na ng mambabasa ang mga gustong ipalabas o bigyang pansin ng manunulat.